Pages

Friday, April 24, 2020

Small Business Wage Subsidy (SWBS Program)

PAANO MATATANGGAP NG MGA EMPLEYADO ANG AYUDA MULA SA SMALL BUSINESS WAGE SUBSIDY (SBWS) PROGRAM?




Mayroong tatlong paraan na pwedeng pagpilian ang mga eligible employees kung paano nila nais matanggap ang ayuda mula sa SBWS program:
1. PayMaya account ng empleyado
Para sa mga employer at eligible employees: Siguraduhin na tama ang PayMaya account details sa inyong application submission.
2. Cash pick-up arrangement sa MLhuiller (DBP Cash Padala thru MLhuillier)
Para sa mga employer at eligible employees: Siguraduhin na tama ang inilagay na cell phone number sa application submission.
Alamin kung ano ang pinakamalapit na MLhuillier branch: https://mlhuillier.com/branches/

3. Withdrawal mula sa napiling bank savings account (PESOnet participating banks) ng empleyado
Para sa mga employer at eligible employees: Siguraduhin na tama ang inilagay na bank account details sa application submission.
Simula ngayong araw, maaari na rin pong ilagay ng mga employer ang bank account, PayMaya account o cellphone number ng kanilang mga empleyado sa kanilang SBWS application. Sa mga employer na nag-apply sa pamamagitan ng My.SSS, maaari pong i-click ang "Lacking Credentials" tab upang simulan ang proseso ng pagdagdag ng detalye ng empleyado.
Ang distribution period ng wage subsidy para sa first tranche ay May 1-15, samantalang May 16-31 naman para sa second tranche.
Para sa kabuuang impormasyon tungkol sa SBWS program: https://bit.ly/2VhThFE



If you like what you just read please click to send a quick vote for me on Top Mommy Blogs- The best mommy blog directory featuring top mom bloggers

No comments:

Post a Comment